MANILA, Philippines - Sampung minuto lamang ang itatagal nang pagpro-proseso ng National Bureau of Investigation (NBI) clearance sa mga mamamayan na nangangailangan nito dahil sa ito ay nasa ilalim ng batas.
Ito ang ipinaalala ni Senator Ralph Recto matapos na mangako ang pamunuan ng NBI kapalit ng kulang-kulang P1 bilyong pisong budget ngayong taon.
Sinabi pa ni Recto na ang nasabing promisory note ay bahagi ng ipinasang batas kung saan nakapaloob ang panukalang budget ngayong taon o ang RA 10633 o General Appropriations Act for 2014 :
Idinadag pa ni Recto na sobrang nakakaawa na ang mga aplikanteng pumipila sa MRT at LRT at muli na namang pipila pagdating sa NBI.