^

Police Metro

Rice smuggling king inaresto ng NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y rice smuggler na si David Tan, na kilala rin sa pangalang Davidson Tan Bangayan o David Lim ilang oras bago ito ay kusang lumantad kahapon at humarap kay Justice Secretary Leila De Lima.

Nabatid na inaresto si Tan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Caloocan Regional Trial Court nuong October 11, 2010 sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 7832 o Anti Pilfe­rage Law.

Nabatid na nakuha ng NBI ang kopya ng warrant of arrest nito lamang January 7, 2014.

Apatnapung libong piso ang halaga ng piyansa na inirekomenda ng hukuman para sa  pansamantalang paglaya ni Tan.

Agad naman nilinaw ni De Lima na ang pag-aresto kay Tan ay walang kinalaman sa rice smuggling.

Nabatid na kaya lumantad si Tan sa DOJ ay para linisin ang kanyang pangalan matapos na mapanood sa tele­bisyon noong isang gabi na  siya ay inaakusahang rice smuggler.

Lumilitaw sa report ng NBI na si Tan ay lumilitaw na one-man cartel matapos na makakalap ng mga dokumento ang NBI kabilang na ang kanyang tirahan at  mga negosyo at ginamit na batayan  upang kumpirnahin na ang Tan at Bangayan ay isang tao lamang.

ANTI PILFE

CALOOCAN REGIONAL TRIAL COURT

DAVID LIM

DAVID TAN

DAVIDSON TAN BANGAYAN

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NABATID

TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with