MANILA, Philippines - Bumaba rin ang performance at trust raÂtings ni Senate President Franklin Drilon sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia na kapareho rin ni Pangulong Benigno Aquino III.
Mula sa dating 50 at 46 percent na performance at trust ratings naging 43 at 40 porsiÂyento ang ratings ni DriÂlon sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-15.
Sa nasabing survey, ang performance at trust ratings ng Pangulo ay bahagyang bumaba rin sa kabila ng patuloy na rehabilitasyong isinagawa ng gobyerno sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Mula sa dating 79 porsiyento, naging 74 ang trust ratings ni Pangulong Aquino.
Sinabi ni Drilon na ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng Kongreso noong 2013 ang nagdulot ng unti-unting pagguho ng tiwala ng taumbayan.