MANILA, Philippines - Nadakip sa pamamagitan ng text messaÂges ang apat na holdaper nang sila ay tinext ng isa nilang kasamahan na unang naaresto ng puÂlisya matapos magsagawa nang panghuholdap sa mga pasahero ng jeep kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Joven Pantropes, 25; Resty Hopio, 23; Ehzier Fotuna 36; Jill Ryan Ibardaloza, 35; at Michael Dela Cruz 30.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:20 ng hapon nang holdaÂpin ng mga suspek ang mga pasahero ng jeep sa kahabaan ng West Avenue, Brgy.West Triangle ng lungsod at isa sa biktima ay si PO1 Liberato Antang ng Special Action Force (SAF) sa Canlubang, Laguna.
Matapos na maholdap ay nakanya-kanya nang hiwalay ang mga suspek at dito ay nagpasya si PO1 Antang na habulin ang mga suspek na kung saan ay naaresto si Pantropes.
Sa presinto ay inutusan ng mga pulis si Pantropes na i-text ang mga kasama kung saan magkikita upang paghatian ang kanilang mga nakulimbat.
Nang sumagot ang mga kasamahan ni Pantropes ay nagsagawa nang pagsalakay ang mga pulis sa kuta ng mga kasama na nasa South Homes Apartelle sa Timog AveÂnue at naaresto ang apat pa habang nakatakas ang lider nila na si alyas Kuya.
Narekober sa mga suspek ang dalawang kutÂsilyo, apat na cellphone at ang pitaka ng biktimang pulis na nagÂlalaman ng 7 libong piso, mga drug paraphernalia at mga bag ng babae na wala ng laman na galing daw sa huli nilang mga nabiktima noong Sabado.