Pulis vs Pulis nagbakbakan

MANILA, Philippines - Inakala ng mga pulis na ang nakasagupa nila ay mga miyembro ng Abu Sayyaf Group gayung ito pala ay mga tauhan ng Brgy. Police Auxiliary Force (BPAF) sa Luuk, Sulu dahilan para masugatan ang tatlong pulis kahapon ng umaga.

Sinabi ni 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu Commander Col.  Jose Johriel Cenabre, bandang alas-10:20 ng umaga nang maganap ang misencounter.

Nabatid na kasalukuyang bumabagtas sa bahagi ng Tanduh Bato Wharf sa bayan ng Luuk ang convoy ni Sulu Acting Provincial Police Office (PPO) Director Supt. Abraham Orbita at Chief Inspector Randall Lyon Bueno, Company Commander nang Provincial Police Security Company ng makasagupa ang mga tauhan ng BPAF sa lugar.

Napagkamalan ng mga elemento ng pulisya na mga bandidong Abu Sayyaf ang nasabing puwersa ng BPAF na armado ng mga itong nakita ang presensya sa lugar.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng 45 minuto na ikinasugat ng 3 pulis at dalawang tauhan ng BPAF ang napaulat na nasawi bagaman kasalukuyan pa itong kinukumpirma.

 

Show comments