MANILA, Philippines - Nagpadala ng sulat ang Saudi Arabia Embassy sa pamunuan ng Manila Police District at Makati Police tungkol sa umano’y pangongotong ng mga ito sa dalawang Arabo sa pamamagitan nang paghingi ng malaking pera para palayain sa mga kaso na imbento lang.
Sa sulat ng Saudi Arabia Embassy sa pamunuan ng MPD na apat na pulis-Maynila ang umano’y sa isang turistang Arabo na kinasuhan ng rape ng isang Pinay na nangyari sa Malate, Maynila na nasasakupan ng MPD-Station 5 at Makati Police-Sub Station 6 sa Burgos St., na pawang nasasakupan ng dalawang presinto ay mga night spots.
Nabatid na kamakalawa ay nag-courtesy call kay Manila Mayor Joseph Estrada si Saudi Arabian Ambassador Abdullah Al Hass na lumiham na rin sa DFA upang matulungan ang dalawang niyang kababayan na sina Mustafa Abdullah Al-Shanquity at Fuad Abdullah Almohsin na biktima ng pangongotong ng mga nasabing pulis-Maynila at Makati.
Unang napaulat ang reklamong rape ng isang 28-anyos na dalaga laban kay Al-Shangity, na nanunuluyan sa Garden Suites Hotel, sa Mabini, Ermita, Maynila noong Enero 2 at dito naganap ang pangongotong ng apat pulis-Maynila.