Babaing adik tinaniman ng bala sa noo

MANILA, Philippines - Pinuntirya ang noo at dibdib ng mga hindi pa kilalang gunmen ang isang babae na umano ay adik sa droga matapos na ito ay barilin kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay kinilala sa alyas na “Aura”, nasa edad 25-30, kalbo, nakasuot ng t-shirt na puti, pink ang jacket at maong
na shortpants.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa harapan ng tindahan ng isang Noli Aguilar sa Block 1, Gasangan, Baseco compound, Port Area nang pagbabarilin ang biktima ng hindi pa kilalang mga suspek.

Batay sa imbesti­gasyon, ang bikti­ma ay galing sa
ba­­­­hay ng kai­bigang si Rolando Gadias at ayon sa mga residente ay madalas doon ang biktima dahil lulong umano ito sa droga.

Pinag-aaralan din kung napaghinalaang police asset ang biktima kaya itinumba ng mga sindikato ng iligal na droga sa lugar.

Show comments