^

Police Metro

Paslit patay sa baril ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng bala mula sa bumagsak na baril ng ama na isang sekyu kamakalawa sa Balaoan, La Union.

Kinilala ni La Union Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Ramon Rafael ang biktima na si Christian Dave Bocarille, ng Brgy. Nagsabaran, Balaoan ng lalawigan.

Ang bata ay binawian ng buhay sa pagamutan matapos itong mapuruhan ng  tama ng bala ng cal. 38 revolver ng ama nitong si Elpedio Bocarille na isang security guard.

Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng tanghali habang naghahanda ng pananghalian ang mga magulang ng bata na sina Elpidio at Christine Bocarille  nang hilahin nito ang clutch bag ng ama na nakasabit sa dingding.

Dahil dito ay bumagsak sa sahig ang baril na bigla na lamang umalingaw­ngaw ang isang putok kasabay ng pag-iyak ng bata na duguang isinugod sa Balaoan District Hospital  hanggang sa ilipat ito sa Lorma Hospital, pero nabigo ng maisalba ang buhay. 

Kasalukuyan inaalam ng pulisya kung lisensyado ang baril ng nasabing sekyu na ipinasurender na rito kasama ang apat na bala at isang basyo.Isinailalim na sa paraffin test ang ama ng bata at sa ballistic examination naman ang pumutok na baril.

 

BALAOAN

BALAOAN DISTRICT HOSPITAL

CHRISTIAN DAVE BOCARILLE

CHRISTINE BOCARILLE

DIRECTOR P

ELPEDIO BOCARILLE

LA UNION

LA UNION PROVINCIAL POLICE OFFICE

LORMA HOSPITAL

RAMON RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with