^

Police Metro

DOH: Tigdas outbreak tatagal pa

Doris Franche-Borja, Lordeth Bonilla, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatagal pa hanggang  summer ang outbreak ng tigdas sa bansa.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Enrique Ona batay sa kanilang pag-aaral bagama’t  nagsasagawa  sila ng  massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyon kabataan.

Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, kung saan mas mabilis ang development ng nasabing virus.

Nagpulong na ang city health officers sa Metro Manila para agad na masimulan ang maramihang pagbabakuna.

Sa latest information ng DOH, 1,724 confirmed cases nationwide, kung saan 744 sa mga ito ay mula sa Metro Manila.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay nakaantabay din sa sitwasyon ng measles outbreak sa Pilipinas, matapos makahawa ang isang Pinoy sa ilang mananayaw ng New Zealand at Australia.

Samantala, isang 2-anyos na batang lalaki na si Rodgene Gundaran, ng Caloocan City ang nasawi sa tigdas.

Sa salaysay ng ama ng bata na si Ruel ng Barangay 139  na noong Disyembre 29, 2013 ay nagkalagnat at  na-dehydrate ang kanyang anak kung kaya’t isinugod nila ito sa Caloocan Medical Center.

Subalit dahil sa dami ng pasyente na may sakit din na  tigdas  ay hindi umano sila naasikaso kaya nagpasya sila na iuwi muna ang anak at nang lumalala ay  kanilang dinala sa Manila Central University (MCU) Hospital, subalit binawian ng buhay si Rodgene habang nilalapatan ng lunas dahil sa dehydration.

Sa Quezon City naman ay nasa 139 bata ang nadale ng tigdas noong nakaraang taon hanggang sa mga unang araw ng Enero ng kasaluku­yang taon.

Ayon kay  Dr. Antonietta Inumerable, hepe ng QC Health Office na bagamat walang epidemya ng tigdas sa lungsod, hindi naman ligtas ang QC dahil ilang daan ding kabataan ang nagkaroon ng naturang sakit  na ang pinakamarami ay buhat sa District 5 sa Novaliches at District  6 sa Culiat.

Sa naturang bilang ay 2 na ang namatay na kinabibilangan ng isang 7 buwang gulang na sanggol buhat sa Barangay Commonwealth at isang 1 taong gulang na bata mula sa Barangay Bahay Toro na pawang hindi nabakunahan ng laban sa tigdas.

BARANGAY BAHAY TORO

BARANGAY COMMONWEALTH

CALOOCAN CITY

CALOOCAN MEDICAL CENTER

DR. ANTONIETTA INUMERABLE

HEALTH OFFICE

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with