^

Police Metro

9 Muslim rebels patay sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa sagupaan ang 9 rebeldeng Muslim na  pawang mi­yembro ng  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang sumiklab ang serye ng bakbakan sa pagitan ng tropang gobyerno sa Marshland sa pagitan ng hangganan ng Maguindanao at North Cotabato.

Sinabi ni Captain Anthony Bulao, Civil Military Operations Officer ng Army’s 602nd Infantry Brigade, dakong alas-7:30 ng umaga noong E­nero 1­ nang makasagupa ng tropa ng mga sundalo ang hindi madeterminang bilang ng BIFF sa Paidu Pulangui River sa Brgy. Pulangui na matatagpuan sa hangganan ng dalawang lalawigan at dito ay nagkabakbakan na ikinasawi ng dalawang BIFF at ikinasugat din ng isang miyembro ng Special Forces (SF) ng Philippine Army.

Nasundan ang bakbakan kinabukasan na nagsimula ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Brgy. Kolambugan na malapit sa Malitubog-Marigagao (MALMAR) ang P6  bil­yong proyekto ng National Irrigation Administration (NIA)  ng pamahalaan na ikinasawi ng 7 pang rebeldeng Muslim.

Nabatid na ang NIA at ang kontraktor nito ay nagtatayo  ng irrigation pro­ject sa 16,000 hektaryang lupain sa lugar kung saan ang P 6 bilyong proyekto ay inaasahang matatapos sa 2016 sa hu­ling termino ni Pangulong Benigno S.Aquino III.

Ayon pa kay Bulao na posibleng marami pa ang nalagas sa hanay ng BIFF na pinamumunuan ni Kumander  Kadi  Karialan matapos ang unang  bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig  noong Disyembre 31 sa Paidu Pulangi River  dakong alas-8:30 ng gabi na natapos bago mag-alas -12:00 ng hatinggabi sa pagsalubong sa Bagong Taon na una nang ikinasugat ng isang miyembro ng Army’s 7th Infantry Battalion.

BAGONG TAON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BRGY

CAPTAIN ANTHONY BULAO

CIVIL MILITARY OPERATIONS OFFICER

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with