MANILA, Philippines - Naapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa pagbagsak sa 6 degree celcius ang temperature doon kamakalaw dahilan para magyelo ang mga pananim doon laluna ang mga gulay.
Nabatid na nagkaroon ng pamumuo ng tubig ang mga gulay partikular sa Atok, Benguet dahilan para masira ang maraming pananim tulad ng patatas at repolyo.
Sinabi naman ng ilang mga magsasaka na normal na ang pagyeyelo sa tuwing sasapit ang Enero ng bawat taon.
Niliwanag naman ng Department of Agriculture na sapat pa rin ang suplay ng gulay sa bansa kahit na apektado ng pag-yeyelo ang mga gulay mula Benguet Province .
Noong January 1 ay bumagsak sa 11.8 degrees celsius ang lamig sa Baguio City at kahapon ay umabot sa 12.4 degrees celsius ang naitalang temperatura.