Don Mariano wala pang pinansiyal na tulong sa pamilya ng mga nabiktima

MANILA, Philippines - Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez na wala pang naipagkakaloob na tulong pinansiyal ang may-ari ng Don Mariano Transit  sa mga pamilya na nabiktima ng malagim na aksidente sa skyway noong December 16 na taliwas sa pangakong magbibigay ng financial assistance.

Sa Enero 7 ay uumpisahan na LTFRB na isailalim sa pagdinig laban sa prangkisa ng naturang bus company kaugnay sa naganap na aksidente.

Bumuo na rin ng special panel ang LTFRB upang ito tututok sa  naturang kaso partikular ang pag-alam sa posibleng paglabag ng kumpanya sa labor at safety standards ng kanilang mga empleyado.

Show comments