2 MNLF gagawing state witness sa Zambo siege

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng  Moro National Liberation Front (MNLF)-Misuari faction na kasama sa naganap na pag-atake sa Zamboanga City noong Setyembre ang kukunin ng pamahalaan para maging state witness.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano ng Department of Justice (DOJ) na itinago ang pagkakakilanlan ng dalawang testigo  upang mabigyan ng proteksiyon na posible rin na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) .

Hindi na isinama umano ang dalawa sa pagbiyahe sa mga kinasuhan patungong Camp Bagong Diwa at mananatili ang mga ito sa Zamboanga City.

Knumpirma naman ni Arellano na nailipat na kahapon ng umaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang 266 miyembro ng MNLF-Misuari faction na nahaharap sa kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 98-51 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law.

Show comments