Mister nagpatiwakal

MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay matapos na umano’y magtalo ng kanyang misis sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Jorge Caculba, may-hawak ng kaso, nakilala ang nasawi na si Rener Nepales, 27, electrical maintenance at residente sa  #429 Area 6, Mapagkumbaba St., Barangay Botocan.

Ayon kay Caculba, ang biktima ay natagpuang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay ng kanyang tatay na si Mang Ricardo gamit ang sampayan, ganap na alas-5:30 ng umaga.

Agad na tinanggal ni Mang Ricardo sa pagka­kabigti ang anak saka sinubukang irevive ito, hanggang sa itakbo sa East Avenue Medical Center, pero idineklarang dead-on-arrival.

 Sabi ni Caculba, base sa panayam niya sa mga residenteng malapit sa lugar, nagtalo umano ang biktima at kanyang misis bago ang insidente .

 Gayunman, iniimbestigahan pa anya nila ang kaso upang mabatid ang tunay na ugat na pagpapakamatay ng biktima.

 

Show comments