Sekyu ng konsehal ng Maynila dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang security guard na nakatalaga sa bahay ni Manila City Councilor Niño dela Cruz, nang barilin ng nakaangkas sa motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa

Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronilo Misperos, 23, stay-in security guard sa bahay ni Dela Cruz, sa no. 389
Zaragosa St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa harap ng Modest Bakery, sa Zaragosa St. Tondo ay kung saan sumaglit ang biktima sa tinderang si Julie Ann Bodollo, na nobya nito nang sumulpot ang nakamotorsiklong mga suspek at
malapitang binaril sa ulo ang nakatalikod na biktima ng backrider.

Isinugod ng mga na­kakita sa pangyayari ang biktima sa Gat An­dres Bonifacio Memorial Me­dical Center  (GABMMC), subalit inilipat ito sa Ospital ng Maynila na kung saan ito nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Show comments