Mister itinumba sa harap ng tatlong anak

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang isang mister ng hindi pa kilalang lalaki habang naglalakad kasama ang tatlong anak kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinilalang si Anthony Ounancial, real estate agent, nasa hustong gulang, ng Hernandez St., Barangay Catmon ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen dakong alas-5:00 ng umaga ay umalis ng bahay ang misis ng biktima na si Mercedina matapos na sila ay magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Kaya’t naisipan ng biktima na hanapin ang misis kasama ang tatlong anak at habang naglalakad ay sumulpot ang suspek at malapitan na binaril ang biktima sa harap ng tatlong anak.

Patuloy imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay at makilala ang gunman.

Show comments