Indian trader itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo ang isang Indian national na trader kamakalawa sa bayan ng Sison, Surigao del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Jugrai Singh, 38 anyos, may negosyong 5/6 , residente ng Capitol Road, Brgy. Washington, Surigao City.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay kabababa lamang ng biktima sa kanyang motorsiklo para mani­ngil ng pautang sa isang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng kulay pulang XRM na motorsiklo na walang plaka at agad na pinagbabaril ang biktima.

Nadala pa ang biktima sa ospital, subalit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen upang matukoy at maaresto ang mga  suspek.

Show comments