Lolo dedo sa salpok ng motor

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang isang hindi pa kilalang matandang lalaki na nasa pagitan ng 60-70-anyos nang masalpok ng motorsiklo habang nagbibisekleta kamakalawa sa Araneta Avenue kanto ng Calamba St., Barangay Talayan, Quezon City.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si  Joey Reyes, 29 na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Nabatid na may iniwasan na sasakyan si Reyes at natumbok nito ang biktima habang nagbibisekleta.-

Show comments