^

Police Metro

Waiting shed sinalpok ng trak: Nanay patay, 2 anak sugatan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang-dead-on arrival sa ospital ang isang nanay habang nasugatan ang dalawang paslit nitong anak matapos na salpukin ang waiting shed kung saan doon sila sumisilong naganap kamakalawa sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Racquel Mancia, 28, habang ang dalawa nitong anak na nasugatan ay sina IC, 6-buwang gulang, at Kalie, 3-anyos.

Ang driver ng dump truck (RKE-946)  na nasa kustodiya ng pulisya ay kinilalang si Ruben Paraiso, 59 ng Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa ulat, bago naganap ang sakuna dakong alas-11:30 ng gabi ay inihatid muna ng mag-iina ang mister na papasok sa trabaho.

Nang makasakay na ang mister ay naiwan si Raquel sa waiting shed na matatagpuan sa panulukan ng Commonwealth Avenue at Failane St., at akma na sanang tatawid nang biglang sumulpot ang dump truck at binundol ang mga biktima.

Pumailalim pa sa truck ang mag-iina at tanging si  Racquel ang labis na napinsala ang buong katawan, habang nagalusan lamang ang kanyang mga anak.

Ayon sa suspek na nawalan ng preno ang minamanehong truck  at  mas pinili niyang ikabig ito pa­punta sa gutter malapit sa waiting shed para maiwasan ang maraming sasakyan.

Ang suspek ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.

AYON

BATAY

BULACAN

COMMONWEALTH AVENUE

FAILANE ST.

IDINEKLARANG

QUEZON CITY

RACQUEL MANCIA

RUBEN PARAISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with