MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapiling ang kanyang pamilya sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon sa VeÂterans Memorial Medical Center (VMMC).
Ayon sa korte, ang mga kaanak ni Arroyo ay maaari nang manatili sa kuwato nito sa VMMC simula December 24 at December 31.
Nauna nang tumanggi ang Sandiganbayan sa dating petisyon para payagan ang mga Arroyo na mag-stay sa ospital kapag holidays.
Magugunita na kamakailan ay nilimitahan ng pulisya ang viÂsiting hours kaya hindi na makapag-overnight sa ospital ang asawa nitong si Atty. Mike Arroyo.
Nilinaw naman ni Atty. Raul Lambino na hindi kasama sa kanilang mosyon ang Christmas furlough na isinulong ng ilang mambabatas para makauwi ang kanyang kliyente sa bahay nito sa Pampanga at doon sana makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.