MANILA, Philippines - Isang police colonel na sabit sa kontrobersiyal na madugong Atimonan rubout noong Enero 6, 2013 na ikinasawi ng 13 katao ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa immigration area sa Airport ng Clark, Pampanga matapos dumating mula sa Doha Qatar.
Si Balauag ay idineÂretso sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakapiit na ito.
Nabatid na nag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban kina Balauag at iba pang sangkot sa rubout ay nag–AWOL (Absent Without Official Leave ) na ito sa PNP,
Sangkot din si PO2 Nelson Indal at napaulat na nagtago sa ibang bansa, gayunman noong Setyembre ng taong ito ay sumurender ito.
Matatandaan na nasawi sa nasabing ng shootout ang 13 katao kabilang ang gambling lord na si Vic Siman sa checkpoint sa Maharlika highway, Atimonan, Quezon at naÂngunguna sa kinasuhan ay si Sr. Supt. Hansel Marantan, dating hepe ng Intelligence ng Police Regional Office (PRO) IV na kabilang sa mga opisÂyal na nasibak sa puwesto at isinasailalim sa imbestigasyon.