Lovers pinasok sa bahay, niratrat

MANILA, Philippines - Isang mag-lover ang mahimbing na natutulog sa kanilang kuwarto ang pinasok ng hindi pa kilalang suspek at pagbabarilin kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Roy Apinan, 34, ng Moderna St., Balut Tondo. Habang malubhang nasugatan ang live-in nito na si Patricia Marie Felix, 23, na tinamaan ng bala sa panga.

Batay sa ulat, alas-2:00 madaling-araw ay nasa kasarapan ng tulog ang mag-live-in nang pasukin ng suspek at pagbabarilin.

Hindi pa matiyak kung ano ang motibo, subalit malaki ang paniniwala ng pulisya na mareresolba ang kaso dahil sa buhay ang babae.

Show comments