55 pasahero ng bus sugatan sa banggaan

MANILA, Philippines - Sugatan ang 55 pasahero matapos magbanggaan ang dalawang bus sa National Highway sa Purok 12, Barangay Old Cabalan, Olongapo City, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya, nagbanggaan ng ordinary bus ng Victory Liner na may plakang CXG-108  na minamaneho ni Jerome Faustino, 25-anyos na tubong-Linasin, San Marcelino Zambales at ang air conditioned bus na may body number na 50 at may plakang CXB-481 na minamaneho ni naman ni Emilio Ocampo, taga-Plaza Burgos, Guagaua Pampanga.

 

Show comments