Binata pinabulagta

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang pagbabarilin ng mismong kausap nito na hindi pa batid ang pangalan na naganap kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa dami ng tama ng bala na kanyang tinamo ay nakilalang si Nino De Leon, 32, binata, residente ng Brgy. Aniban 1, Bacoor City, Cavite.

Ang salarin ay mabilis na tumakas matapos ang krimen dala ang baril na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Malinao, nabatid na ang insidente ay naganap  dakong alas-9:50 ng gabi sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite.

Bago maganap ang krimen ay nakita pa umanong nag-uusap ang dalawa at sa hindi pa malamang dahilan ay bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

Show comments