OPS, pinag-aaralan pa kung ibabalik

MANILA, Philippines - Sinabi ng Pangulong Benigno Aquino III na pinag-aaralan pa ng Malacañang kung ibabalik ang Office of the Press Secretary (OPS) matapos magbitiw kamakailan si Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ricky Carandang.

Sinabi ni Pangulong Aquino, nagpapasalamat siya sa oras na ginugol ni Sec. Carandang sa gobyerno matapos na paunlakan ang kanyang alok na maging bahagi ng Communication Group ng Palasyo.

Wika pa ng Pangulo, pag-uusapan pa nila kung kailangan bang magkaroon ng pagbabago sa set-up ng Communication group at ibalik ang OPS.

“Subject to discussion pa rin yon. Sometimes hindi ba, parang…You don’t want to change too many things and cause unnecessary readjustment. If not necessary why change? Pano ba ang sabi ng mga Amerikano? ‘if it ain’t broke, don’t fix,” sabi pa ng Pangulong Aquino sa panayam ng media na kasama niya sa Japan trip.

Magugunita na inihayag ng Palasyo kamakailan ang pagbibitiw ni Carandang bilang pinuno ng PCDSPO kung saan ay epektibo sa Disyembre 31. Si Usec. Manolo Quezon III ang pansamantalang mamumuno sa iniwang opisina ni Carandang.

 

Show comments