6 nasawi sa Yemen attack kinilala

MANILA, Philippines - Kinilala na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga pangalan ng anim sa pitong Pinoy hospital workers na nasawi sa pag-atake ng mga terorista sa Yemen kamakailan.

Kinilala ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon ang mga biktima na sina Dr. Ruben Valenzuela, Marian David, Hezel Pueblos, Edward Anthony de Guzman, Marivic Corilla Badenas at Aurora Yumol Gormate na pawang nagtatrabaho sa isang ospital sa loob ng Yemeni Ministry of Defense Complex na inatake ng mga terorista noong Disyembre 5 na ikinasawi ng may 52 katao kabilang ang pitong Pinoy at ikinasugat ng may 170 iba pa.

Kinumpirma rin ni Dimzon na 29 mula sa 40 Pinoy na karamihan ay nurses sa nasabing ospital ang nasugatan.

 

Show comments