Nene natusta sa sunog

Narekober ng mga bumbero at kawani ng punerarya ang bangkay ng 6-anyos na batang babae na si Maria Alexa Botoc na natupok nang hindi makalabas ng  bahay matapos na iwan sandali ng ina na naganap kahapon ng umaga sa kanto ng Bonifacio at Jakosalem St., Cebu City.- Joy Torrejos-

MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi matapos na makulong ito sa nasusunog nilang bahay matapos na iwan ng ina sandali naganap kahapon ng madaling-araw sa Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Maria Alexa Botoc, na-trap sa sunog na halos hindi na makilala ang bangkay nang marekober.

Ang mga nasugatan na dinala sa pagamutan ay kinilalang sina Ednalyn Calisin, 28; Mary Irene Simbajon, 6; Matthew Justin Simbajon, 2; Bernardo Ortiz, 53; isang Ren-Ren Mutoc, 3; at FO 3 Alexander Labuga.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng mada­ling araw nang maganap ang sunog sa 2 storey na bahay at katabi nitong boarding house  sa kahabaan ng Jakosalem Street, Brgy. Parian ng lungsod.

Nabatid na iniwan ng ina ang bata na natutulog ng mangyari ang sunog na mabilis na kumalat ang apoy at nakulong sa silid ang bata.

Naapula ang sunog dakong alas-9:16 ng umaga at aabot sa P400,000 ang inisyal na pinsala sa sunog.

 

Show comments