^

Police Metro

Kanta na ‘My Way’ pumatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang may nasawi sa umano’y itinuturing na “killer song” ni Frank Sinatra na My  Way na tila may sumpa matapos isang la­laki ang napatay sa saksak habang inaawit ito sa isang videokebar  sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa ulat ni Chief Ins­pector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 kinilala ang biktima na si  Nonito Bernardo, 47-anyos na namatay noon din dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan at dinala sa pagamutan ang kaibigan ni Bernardo na si Fernando Aragon, 52-anyos na nagtamo ng sugat sa katawan.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Arnel Faustino, 38- anyos.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng isang videoke house sa Sitio Pagsanjan, Brgy.Calabasa ng lungsod  ay nagkakasiyahan ang mga biktima at ang grupo ng suspek nang mag-agawan ang mga ito sa mikropono sa kantang My Way.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo na  humantong sa pananaksak sa magkaibigan ng suspek.

ARIEL HUESCA

ARNEL FAUSTINO

CHIEF INS

FERNANDO ARAGON

FRANK SINATRA

MY WAY

NONITO BERNARDO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with