1 Pulis todas, 3 sugatan sa NPA attack

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng NPA ang isang police station na ikinasawi ng 1 pulis at pagkasugat ng 3 iba pa kahapon ng umaga sa bayan ng Kibawe, Bukidnon.

Ang nasawi ay kinilalang si SPO2 Rodelfin Alonzo habang nasugatan naman na sina PO3 Jona Roba, PO2 Johnrey Manigo at PO2 Elizar Lacoste.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nang lusubin ng mga rebeldeng NPA na pawang nakasuot ng camouflage uniform ang Kibawe Municipal Police Station (MPS).

Nabatid na sakay ng pitong pribadong van ang mga rebelde at  agad hinaras ang police station at pinaputukan kaya’t nagkaroon ng 40 minutong palitan ng putok ang magkabilang panig.

Mabilis na nagsitakas sa magkahiwalay na direksyon sa Brgy. Tomaras, Kibawe at Damulog area ng lalawigan  matapos ang nasabing harassment.

Sa  nasabing pag-atake ay nagawang makatangay ng mga rebelde ng pitong M16 rifles, tatlong 9 MM caliber pistol, dalawang cal 45 pistol at mga bala.

 

Show comments