^

Police Metro

DSWD bubusisiin ang nakawan ng relief goods

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang busisiin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ulat na may nawawala at nakawan  sa mga donasyong relief goods mula sa pribadong sector para sa mga Yolanda victims.

Ito ang inihayag ni DSWD Eastern Visayas head Nestor Ramos bilang reaksiyon sa ilang media reports na nakarating na sa mga pamilihan at naibebenta na ang ilang food packs  gayundin ay talamak umano ang bentahan nito sa online sites.

Una nang naipakita sa telebisyon na ang  Meals-Ready-to-Eat (MREs) na food pack na  kasama sa naipadalang ayuda ng US Agency for International Development (USAID) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ay naibebenta na sa  halagang  P220 kada isa sa mga tindahan sa Metro Manila.

Naglipana rin ang mga relief items na naibebenta na ngayon sa mga pamilihan bunga ng pagkakaroon ng ilang local corrupt officials sa pamahalaan kayat  di nakararating ang tulong ng ibat ibang bansa sa mga biktima ng kalamidad.

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EASTERN VISAYAS

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

MEALS-READY

METRO MANILA

NESTOR RAMOS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with