20 vendors na istorbo sa overpass dinampot
MANILA, Philippines - Dahil nakakasagabal sa daanan ng mga pedestrian ay hinuli ng mga otoridad ang may 20 illegal vendors sa Litex overpass, Quezon City.
Ang mga dinakip ay kinilalang sina Anwar Sultan; Roy Bersabe; Roel Bulabao; Jamali Din Racman; Elsie de Vera; Ariel Tobias; Rhenzen Arquero; Huro MacaÂrambon; Raisah Macote; Allan Bantilla; Norhaya Mao; Roxanne Ampatua; Samsodin Taurac; MariÂlyn Rosario; Sammy Usman; Norjanah Akas; Normalia Macapando; Hadji Abdul Gaffur; Abdul Mama; at Alsiah Alampac.
Nabatid sa pulisya na sinasakop na umano ng mga nasabing vendor ang kabuuang lugar ng overpass dahil sa mga inilalatag nilang paÂninda kung kaya nagiÂging masikip at hindi na makausad ng maayos ang mga dumaraang publiko.
Ganap na alas-4:30 ng hapon nang simulang salakayin ng tropa ng QCPD-CIDU ang Litex overpass, partikular sa may Westbound ng Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Malinaw na luÂmabag sa city ordinance 10700 o operating without business permit at obstruction of pedestrian ang mga vendors kaya’t kinasuhan ang mga ito.
- Latest