Pinoy bawal magtrabaho sa Yemen
MANILA, Philippines - Total ban sa pagpuproseso at deployment ng lahat ng Overseas FiÂlipino Workers (OFWs) sa bansang Yemen ang ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).Batay sa Governing Board Resolution No. 12 ng POEA, Series of 2013, na may petsang Disyembre 10, 2013, nagdesisyon silang muÂling magpatupad ng total ban sa OFW deployment sa Yemen matapos makatanggap ng ulat ang Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Disyembre 9, 2013, na itinaas na muli sa Alert Level 3 ang alerto sa Yemen.
Ito’y kasunod na rin nang paglala ng domestic violence na nagaganap sa naturang bansa bilang resulta ng pag-atake sa Yemeni Ministry Defense
noong Disyembre 5, 2013 na ikinasawi ng 52 katao, kabilang ang pitong Pinoy, at pagkasugat ng 11 pa.
- Latest