Enrile ‘di tinantanan ni Miriam

MANILA, Philippines - Naghain ng pormal na reklamo si Senator Miriam­ Defensor-Santiago laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile dahil sa  personal na pag-atakeng ginawa sa kanya sa privilege speech nito noong Nobyembre 27.

Nakasaad sa sulat ni Santiago na ipinadala kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano: “This is to respectfully request you to consider this letter as a formal complaint against Sen. Juan Ponce Enrile for disorderly behavior, by attacking me on a personal level in a prior privilege speech that he delivered on 27 November 2013”.

Kabilang umano sa mga nilabag ni Enrile ang Rule 34 ng Senate Rules tungkol sa “unparliamentary act at language.

Itinuturing anya na unparliamentary ang ugali at lenguwahe ng isang isang senador kung may na-offend itong kapwa senador.

Idinagdag pani Santiago, kung ang isang senador na mapapatunayan ng Se­nate Committee on Ethics na guilty ng “disorderly behavior” ay maaaring ma-suspinde o matanggal bilang miyembro ng Senado.

Sumulat din si Santiago kay Senate President Franklin Drilon upang igiit dito na buuin ang Senate Ethics Committee na hanggang ngayon ay wala pa ring chairman o mga miyembro.

 

Show comments