Ex-convict pinabulagta

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 37-anyos na ex-convict makaraang pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong dalawang bala sa ulo at katawan ng biktimang si Zacarias Marquez, residente ng  #550 Corcuera St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, dakong alas 8:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Chromium St. San Andres Bukid, Maynila.

Ayon kay Maraggun, nakita ng isang Roberto Cudal, barangay kagawad, na may kausap na dalawang lalaki ang biktima  at sa di kalayuan ay nakatayo lamang ang dalawa pang lalaki.

Nakita umano ni Cudal na nagtatalo ang biktima at dalawang kausap nito at hindi nagtagal ay nakarinig na siya ng mga putok ng baril at nakitang nakubulagta ang biktima.

Show comments