MANILA, Philippines - Walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlong kalalakihan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa General Santos City.
Ang mga biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang sina Ronel Sarsalejo, Emmanuel Fajardo at Edwin Laranio, pawang taga Alabel, Sarangani.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang kumakain ng balut sa isang kalye sa nasabing lungsod ang mga biktima nang dumating ang mga suspek at agad na pinagbabaril ang mga ito.
Nang bumulagta ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.