Lima tripulante inutas ng pirata

MANILA, Philippines - Limang tripulante na sakay ng isang fishing boat ang pinagsasak­sa­k ng mga pirata sa may baybayin ng Siasi, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang ilan sa  mga biktima na sina Chiefmate Joel Salig, Van Gala, Walter Cutad, asst. engineer; Pedrito Bucoy, chief cook; at si Leonardo Decalzo Jr., chief engineer. 

Batay sa ulat, lulan ang mga tripulante ng LBGMA-68 na nakabase sa Cawit,  Zamboanga City nang sila ay lusubin ng mga pirata.

Dito ay nagtalunan ang ibang crew ng fishing boat at ang lima na  natira sa bangka ang napatay.

Pagkatapos na mapatay ang mga biktima ay tinangay ng mga pirata ang kanilang fishing boat.

 

Show comments