MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang magbiyenan sa loob ng inabandonang Honda CRV (XPB-777) kahapon ng umaga sa Brgy.Holy Spirit, Quezon City.
Ang magbiyenan ay kinilalang sina Rodolfo Montalbo at Anthony Abraham, ng Sta. Maria, Bulacan na may mga sugat at marka sa katawan.
Nakarehistro ang sasakyan sa isang Angelito Niccolas ng Bulacan na unang nadiskubre ng mga nakatira doon na nakaparada sa may kanto ng Cerilo at De Leon St., ganap na alas-7:00 ng gabi ng Huwebes.
Dakong alas-8:00 ng umaga nakaparada na ang sasakyan sa tapat ng bahay ng isang Johnny Malto kaya’t ipinagbigay alam niya ito sa mga guwardiya ng subdibisyon at dito ay nakita sa loob ang katawan ng dalawang lalaki na nakaupo sa likurang bahagi ng SUV.