79-anyos lola pisak sa 10-wheeler truck

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 79-anyos na lola matapos na ito ay masagasaan at pumailalim sa 10-wheeler truck habang tumatawid, sa Pandacan, Maynila, kahapon ng hapon.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Leonila Mariano Tulio, ng no. 1506 Labores Extention, Pandacan, Maynila.

Sumuko  ang drayber ng nasabing truck na si Alberto Belialba, 27,  ng Bldg. 8,  Paradise Building, Balut, Tondo.

Sa ulat, dakong ala -1:15 ng hapon kahapon nang  maganap ang insidente sa kahabaan ng Pres. Quirino Avenue, malapit sa West Zanora, northbound lane.

Nabatid na tumatawid ang matanda nang ito ay nasalpok ng trak na posibleng hindi nakita ng drayber.

Tumilapon ang biktima at pumailalim sa truck na agad nitong ikinasawi.Ang suspek ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

 

Show comments