Bilyon piso na pondo sa kalamidad pasado na sa Senado

MANILA, Philippines - Ipinasa ng senado ang ikatlo at huling pagbasa ng panukalang P14.6 bilyon supplemental budget ngayong taon.

Ang nasabing pondo ay gagamitin bilang cala­mity funds para sa mga sinalanta ng kamalidad lalo na ng bagyong Yolanda.

Labing-limang senador ang bomoto ng pabor sa pagpasa ng nasabing supplemental  budget.

Matatandaan na isinulong ng mga senador na magkaroon ng karagdagang supplemental budget na kukunin sa hindi nagamit na Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o  pork barrel funds matapos na idineklara ng Supreme Court na unconstitutional.

Kaya minabuti ng mga mambabatas na gawin na lamang supplemental budget ang hindi pa nagagamit na pondo upang hindi bumalik sa National Treasury.

 

Show comments