Misis pinilahan ng 2 kainuman

MANILA, Philippines - Halinhinang hinalay ng dalawang lalaki ang 18-anyos na misis na kasama nila sa inuman sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay kamakalawa sa Brgy.Betinan, San Miguel, Zamboanga del Sur.

Nagsampa ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang Flor laban sa mga suspek na sina Libert Rocarmora at Loyd Albano.

Sa ulat, dakong alas- 4:45 ng madaling habang pauwi na ang biktima na kaangkas sa motorsiklo ng mga suspek  na minamaneho ni Rocamora.

Pagsapit sa Purok 5 ng nasabing barangay  ay inihinto ang motorsiklo at kinaladkad ng dalawang suspek ang biktima sa resthouse ni Ellen Dionson.

Walang nagawa ang ginang matapos na pagtulungan at halinhinang gahasain ng dalawang suspek. 

Matapos na makaraos ay iniwan ng mga suspek ang biktima at mabilis na tumakas.

Isang hot pursuit operation ang isinagawa ng mga otoridad laban sa dalawang suspek.

Show comments