^

Police Metro

69 Pinoy, 4 dayuhan inaresto sa health card scam

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga ope­ratiba ng PNP Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 69 Pinoy, 3 Amerikano at 1 Indian national  dahil sa pambibiktima ng mga may-ari ng healtcard  sa isinagawang  operas­yon sa Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, Brgy.Highway Hills, Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naarestong dayuhang  American nationals ay kinilalang sina Herber Kimble, Sergio Cevile, Wasil Ahmed at ang Indian national ay Sham Negi at 69 Pinoy na kasabwat nila sa illegal na aktibidades.

Sa ulat, bandang alas-11:45 ng gabi nang sala­kayin ng mga operatiba ang lugar sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lyliha Abella–Aquino ng Manila Regional Trial Court ng National Capital Judicial Region, Branch 24 matapos na makatanggap ng impormasyon sa pagkakasangkot ng mga suspek sa anomalya sa healthcard

Nabatid na ang modus ng mga suspek ay  maki­pag-ugnayan at mambola sa  mayroong mga healthcard lalo na sa mga pasyenteng diabetic at sinasabing nag a-alok sila ng libreng diabetic supplies, katulad ng glucose meters, gamot at iba pang mga medical items saka nagpapakilalang mula ang kanilang grupo sa  Diabetes Association  o Medicare na nagmula pa sa Estados Unidos.

Kapag naibigay na ang medicard number at iba pang pinansyal na impormasyon ng mga potensyal ng mga itong kliyente ay hindi na tutuparin ng grupo ang sinabi ng mga libreng medical items, subalit ibabawas ang halaga ng mga medical items sa medical account ng kanilang mga nalolokong biktima.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 9  na kaugnay ng Section 10, 11 at 14 sa ilalim ng Republic Act 8484  na mas kilala bilang The Access Devices Act of 1998 ang mga naarestong suspek.

ACCESS DEVICES ACT

ANTI CYBERCRIME GROUP

DIABETES ASSOCIATION

ESTADOS UNIDOS

HERBER KIMBLE

HIGHWAY HILLS

JUDGE LYLIHA ABELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with