Pintor utas sa holdaper

MANILA, Philippines - Utas ang isang 53-an­yos na pintor matapos manlaban sa holdaper na tumangay sa isang linggo niyang sahod, sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital  bunga ng malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Danilo Villonas, may asawa na nakatira sa #1858 Oro B St., Sta.Ana, Maynila.

Arestado naman ang suspek  na itinurong  ng ilang concerned citizen sa lugar na siyang may kagagawan ng krimen na si Raymond Perdes, alyas “Baliw”,  20, binata, walang trabaho na residente rin ng Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni SPO2  Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Oro B at Sagrada Pamilya St., sa  Sta.Ana.

Galing umano sa trabaho bilang pintor sa Paragon Hotel ang biktima at dala nito ang  isang linggong suweldo nang holdpain siya ng suspek pero nanlaban ito kaya siya pinagsasaksak.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek pero sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ito ng mga tauhan ng MPD-Sta. Ana Police Station 6.

Show comments