^

Police Metro

Bata, pisak sa SUV

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang grade 7 na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang tatlo nitong pinsan makaraang masaga­saan ng isang rumaragasang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Valenzuela  City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Joshua Dejoseph, 12-anyos, ng  #40 Tandangmanang St., Brgy. Parada, sa lungsod.

Inoobserbahan naman ngayon ng mga manggagamot sa Valenzuela General Hospital ang mga pinsan ni Dejoseph na sina Ghil Gapaz, 10-anyos; John Cedric Agustin, 8; at John Mel Agustin, 10, kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na nakila­lang si Tomas Misajon, 63-anyos, residente ng Jamica Drive Arborn Town Village, General T. De Leon, ng naturang lungsod.  Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple frustrated homicide.

Sa ulat ng Valenzuela Police, naglalakad ang mga bata sa gilid ng kalsada sa may S. De Guzman St., Brgy. Parada dakong alas-2:30 ng hapon nang biglang araruhin ng rumaragasang Ford Everest  na may plakang AFA 990 na minamaneho ni Misajon.

Pinakamalubhang pinsala ang natamo ni Joshua nang maipit ito sa sasakyan at pader.  Agad namang sinaklolohan ng mga opisyal ng barangay ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

BRGY

DE GUZMAN ST.

DE LEON

DRIVE ARBORN TOWN VILLAGE

FORD EVEREST

GENERAL T

GHIL GAPAZ

JOHN CEDRIC AGUSTIN

JOHN MEL AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with