MANILA, Philippines - Simula kahapon ay pinamunuan na ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang maimpluÂwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Magugunita, sa ginanap na plenary assembly ng CBCP sa Pius XII Center noong Hulyo, hinirang si Villegas bilang kahalili ni Cebu Archbishop Jose Palma, matapos tumanggi na ang huli na mare-elect bilang Pangulo ng CBCP.
Ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan ay nagsilbi noon bilang personal secretary ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin at rector o tagapamahala ng EDSA Shrine at Vicar general ng archdiocese.
Taong 1985 nang maordinahan siya bilang ganap na pari at noong July 25, 2011 nang mahirang siya bilang auxiliary bishop ng Maynila ni dating Pope John Paul II.
Tiniyak ni Villegas na gagampanan niya ng buong husay sa abot ng kanyang makakaya ang CBCP bilang tunay na pastol ng Simbahang Katoliko.