Death toll kay Yolanda: 5,632 na
MANILA, Philippines - Pumalo na sa 5,632 ang nasasawi sa bagyong Yolanda habang mahigit sa P30 bilyon ang iniwang pinsala.
Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ExeÂcutive Director Eduardo del Rosario.
Sa naitalang, 5,632 death toll kabilang dito ay tatlo sa Region IV; 19 sa Region IVB; 7 sa Bicol Region; 238 sa Western Visayas; 74 sa Central Visayas; 5,289 sa Eastern Visayas (Samar, Leyte) na sentro ng delubyo ng kalamidad, isa sa Zamboanga Peninsula at isa sa CARAGA Region.
Mula sa P27 bilyong pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura na naitala nitong Biyernes ay tumaas na ito kahapon sa P30.600 bilyon.
- Latest