Pinay nahulihan ng 3 kilo ng droga sa Malaysia
MANILA, Philippines - Isang Pinay sa Malaysia ang nahulihan ng 3 kilo ng droga, base sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Hindi muna pinaÂngalanan ang Pinay na unang nagtrabaho bilang overseas Filipino worker sa Macau at tumungo sa Malaysia sa paanyaya ng isang kaibigan kung saan dito siya nahulihan ng Malaysian authorities ng illegal drugs.
Nakatakdang dumulog sa DFA ang mga kaanak ng nasabing Pinay upang mabigyan ng kaukulang tulong o legal assistance.
Unang umapela ng tulong si Annalyn Cañete, nakatatandang kapatid ng nasabing OFW sa radio DZMM, dahil sa umano’y pagkaka-aresto sa kanyang kapatid pagdating nito sa Malaysia.
Hihilingin ng pamilÂya ng Pinay na mabigyan ito ng abogado upang maipagtanggol ang sarili matapos na igiit na-setup lamang ang pagkakaaresto dito.
Nakatakdang sentensyahan ang Pinay sa Biyernes.
- Latest