Obrero tinodas ng kabaro

MANILA, Philippines - Patay ang isang obrero makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapwa obrero sa isang inuman sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

 Si Marvin Sison, 34, biyudo at residente sa Brgy. Tandang Sora ay nagawa pang maisugod sa ospital pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Ayon kay Police Officer 2 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso, ang suspek ay nakilalang si Gorio Vertucio ay mabilis namang tumakas makaraan ang krimen.

Nangyari ang insidente sa barracks ng biktima at suspek na matatagpuan sa Gloria Vista I Subdivision, Brgy. Tandang Sora, ganap na alas-5:30 ng gabi.

Sabi ni dela Vega, kapwa mga empleyado ng PR Fetalvera Construction Company ang biktima at suspek ay stay-in sa naturang Subdivision.

Bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilang katrabaho sa lugar nang kalaunan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

 

Show comments