Donasyon sa Yolanda victims ninakaw sa simbahan

MANILA, Philippines - Aabot sa daang libong halaga na donasyong salapi para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte ang  tinangay ng dalawang kawatan kabilang ang isang menor-de-edad matapos ransakin ang isang simbahang  sa Brgy. 3, San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa.

 Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-6:30 ng umaga ng madiskubre ni Father Artemio Jusayan, kura paroko ng Carme­lite Convent of the Sacred Heart of Jesus sa nasabing lugar na nawawala ang cash donations sa cashier and finance office ng simbahan.

Ang nasabing cash do­­­nations ay nakalap na pondo ng nasabing parokya para itulong sa mga biktima ng super bagyong Yolanda sa Leyte partikular na sa Tacloban City na grabeng nasalanta noong Nobyembre 8.

 Sa imbestigasyon nabatid na nagawang makapasok ng mga kawatan sa pamamagitan ng pagwasak sa bintana at sliding na pintuan ng simbahan.

             

Show comments