^

Police Metro

Guro, 2 mister nagbigti

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigti ang isang babaing guro at dalawang mister sa loob ng kanilang bahay sa magkahiwalay na insidente sa Indang, Cavite, Tondo, Maynila at Quezon City.

Dakong alas-10:15 ng umaga nang matagpuan ni Nelson Diloy, 31, kawani ng Cavite State University (CAVSU) ang misis niyang si Juliet, 28, guro sa nasabing unibersidad at residente ng Brgy.Alulod, Indang, Cavite na nakabigti sa likod ng pintuan ng kanilang kuwarto.

Malaki ang hinala ng mister na ang nararamdamang sakit ng misis ang nagtulak para ito ay magpakamatay.

Pagkaubos naman ng perang pinagsanglaan ng bahay ang nagtulak sa 34-anyos na si Dennis Casila, ng no. 134 Camia St.. Block 6, Roxas, Brgy.106, Zone 8,  Tondo para ito ay magbigti kahapon.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon  nang madiskubre ng kaniyang live-in partner na si Marife, 29, na naka­bigti sa ika-2 palapag ng kanilang  bahay.

Nagbigti rin ang biktimang si Carlos Pata­yola, 24, tindero matapos hindi makayanan ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis at anak kahapon ng alas-10:00 ng umaga sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-2:00 ng madaling-araw at nadiskubre ang insidente nang tangkain na kausapin ito ng anak ng may-ari ng  inuupahang kuwarto para pagsabihan na patayin ang ilaw.- Cristina Timbang, Ludy Bermudo, Ricky Tulipat-

 

vuukle comment

BRGY

CAMIA ST.

CARLOS PATA

CAVITE

CAVITE STATE UNIVERSITY

CRISTINA TIMBANG

DENNIS CASILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with