Yolanda evacuees inilipat sa Camp Aguinaldo

MANILA, Philippines - Nahaharap sa bagong pagdurusa ang libong evacuees na mga survivors ng bagyong Yolanda galing sa Leyte at Samar  na nagsidating sa Villamor Air Base matapos na ilipat na naman ang mga ito ng pansamantalang matutuluyan kahapon sa Camp Aguinaldo.

Ang mga evacuees ay inilipat sa compound ng Joint Standing Task Force (JSTF)-NCR na pinamumunuan ni Brig. Gen. Manuel Gonzales sa loob ng Camp Aguinaldo.

Nabatid pa na ang biglaang pagpapalipat sa mga evacuees ay umani ng pagtutol mula sa DSWD, Philippine Red Cross at iba pa.

Sa tala ay umaabot na sa mahigit 5,000 survivors ng bagyong Yolanda na nanalasa sa Visayas Region noong Nobyembre 8  ang dumating sa Villamor Air Base sa punong himpilan ng Philippine Air Force sa Pasay City.

Nagkaroon naman ng konting kalituhan sa paglilipat sa mga eva­cuees sa Camp Aguinaldo matapos na  umano’y mabigo si  AFP–JSTF–NCR Commander Brig. Gen. Manuel Gonzales na ipaalam ito kaagad sa AFP-J3 (Operations)  at kay AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

 

Show comments